Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Sentimental Fools
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Take Me Home

$
0
0

 

Bumiyahe ako pauwi sa bayan namin noong nakaraang Sabado, nakipagtunggali sa isang nonstop roller coaster bus ride ng mahigit dose oras na biyahe para lang sa isang bagay – ang kumain ng pansit.  Pag tinamaan ka nga naman ng baltik oo, kahit pa siguro nasa dulo ako ng mundo, uuwi at uuwi pa rin ako.  Mahirap intindihin ang simpleng bagay na ‘to pero ‘yan na ang kulturang kinalakhan ko. 

 

Ano bang meron sa lugar namin at di ko maiwan-iwan? Wala.  Kung tutuusin, wala namang ‘extra special’ sa lugar kung sa’n ako lumaki maliban na lang kung trip mong mag-kayaking sa pinakamahabang ilog sa Pinas o magtaguan-pung sa mahigit 300 kuweba na karamihan ay ginawang boarding haus ng mga paniki.  Sa kabuuan, isa lang siyang higanteng oven toaster sa sobrang init.  Ang Tuguegarao city ang pinakamainit na lugar sa Pinas, mainitin ang mga tagarito at sa tingin ko ay isang konkretong paliwanag kung  bakit mabilis ding mag-init ang aking katawan.  Yes, we are badly burned madapackingsheet ‘hot ass’ people.  Pati mismo ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salita na ang ibig sabihin ay putangina! sunog! sunog! [expletives mine]. At sa likod ng aking matipunong katawan [talagang kailangang i-emphasize na matipuno ano?] ay isang batang kailangang makauwi sa sariling bayan. May mga bagay ka talagang hahanap-hanapin dahil dun naman nagsimula ang lahat.  At may mga lugar kung saan ka nag-umpisang magkaisip, kumerengkeng, at bumuo ng pangarap.   

 

Habang kumakain ng pansit kasama ang barkada, nagbalik sa alaala ang lahat. Simple lang ang buhay ko noon sa kolehiyo.  Makikipag-inuman, papasok sa school, maghahanap ng gulo, matutulog sa klase, gigising na wala na ang mga kaklase, iinom ulit, uuwi, matutulog.  Kung kaninong bahay ako datnan ng antok, dun nako natutulog.  Bahay ko pati bahay mo.  

 

Mahirap ang naging simula ko nang magtrabaho dito sa Maynila.  Mamboboso ka na nga lang pahirapan pa, kailangan pa ng high tech na kagamitan.  Anhirap pa namang magkabit ng webcam sa CR nang hindi ka namememohan.  Di tulad sa probinsiya, sisilip ka lang sa ilalim ng kubo, o aakyat sa punong mangga, may live feed ka ng ‘porn show’ kaagad.  

 

Sa kabilang banda, nagbukas ang isang panibagong mundo sa ‘kin dito sa Maynila. Maraming taong nakasalamuha, nakilala, nakasubukan ng paninindigan, at ang iba ay nakapataasan ng ihi. Andaming realizations na nangyari. Na may malaking mundo pala sa labas ng pinanggalingan ko.  Na ang buhay ay hindi lang umiikot sa bote ng alak.  Na di kailangang manilip dahil sandamakmak naman ang libreng porn sites. 

 

Pasalamat din ako sa mga taong nakilala ko na nag-inspire sa ‘kin [kasama ka dun], nagpasensiya, nagbigay-aral at gumabay bago pa ako maging panganib sa ibang tao at sa sarili ko.  Matigas pa rin naman ang ulo ko pero marunong na ring makinig paminsan-minsan.  Minsan minsan lang. May upsides at downsides din ang pagiging matigas ang ulo. 

 

‘Bakit ikaw pre, kahit pinapagalitan tayo ng bosing natin dedma ka lang, wala kang paki’, sabi ng kaopisina ko.

‘Ganun ba.  Hindi ko napapansin’.  Talaga  ngang  walang paki.

‘Oo, ganyan ba talaga kayong mga taga-probinsiya?  Sana nga ganyan din kalakas ang loob ko’. Tsk.  Maling akala.  Wala naman ‘yan sa kung saan ka pinanganak, nasa tao yan.  O kaya naman nasa gatas na ininom n’ung bata ka pa lang.  Wag kasing umiinom ng gatas na may drowing ng power puff girls.  Pati na rin na ‘yung may kasamang freebie na hello kitty.

 

Dalawa at kalahating taon na pagkakalayo.  Andaming nangyari – nakipagtanan, nagtrabaho, live in, kinasal, naholdap, na-promote, nakipaglabing-labing, nakabuo ng bata at sa susunod na taon ay Daddy na.

 

Isang araw lang ako sa ‘min.  Balikan din ako agad matapos magpansit at konting inom kasama ang mga barkada.  Parang short time na ligaya pero sulit naman.  Hinabol ko ang huling biyahe kinagabihan.  Sakay na ko ng sleeper bus pabalik ng Maynila, napabulong na lang ako ng isang payak na panalangin baon ang isang pangakong binitawan dalawa at kalahating taon na ang nakalilipas – ‘babalik din ako, magpapayaman lang ako sandali, at kung di man mangyari ‘yun pagkalipas ng matagal na panahon,  sisiguraduhin kong uuwi pa rin ako at dyan ako mahihimlay sa katabing puntod ng aking tatay’.

 

*Picture1:  Kayaking sa Rio Grande De Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pinas. Picture2:  Sleeper bus.  Nakahiga kang bibiyahe para hindi ka tubuan ng almoranas sa pwet. 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan