Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Sentimental Fools
Viewing all 10 articles
Browse latest View live

Committed

$
0
0

Lahat naman tayo may bahagi sa buhay natin na kelangan na talagang mag-pamilya.   Kung kelan, depende ‘yun sa threshold ng kalibugan.  Kung kaya pang idaan sa pagtitikol, bakit hindi.  Wag ka lang mawili sa pagsasariling sikap dahil baka pag kelangan mo nang mag-asawa, mamya pakiramdam mo e nagiging ‘unfaithful’ ka na sa sarili mo kapag nakikipag-shoot-dat-bol ka sa iba.  At pagkahaba-haba man ng prusisyon, heto at redi na kami ni BebeKo na makipag-exchange gifts ng singsing sa isa’t-isa.  Pag naisuot na sa kin ‘yung wedding ring, malamang maraming holdaper na ang magkakainteres na lagariin ang daliri ko.  


Redi na nga ang lahat.  Church preparations.  Hotel rooms.  Reception.  Wedding cake, etc etc.  Heto na nga ‘yung moment na sinasabi kong kumakalabukab na kakabakaba ang pakiramdam.  Nakatayo na ako sa harap ng altar ng cathedral habang hinihintay ang bride na si BebeKo.  Di ko madescribe ‘yung pakiramdam.  Basta halo-halong emotions: senti, may kaba, parang nauutot na parang kakabagin atbp.  Nagrerebolusyon nga ‘yung tiyan ko, para ngang gustong makipag-chat sa akin pampalipas oras.  “Ngowwrk… Ngerk… Iutot mo na ako please”.  Siraulong tiyan, ayaw makipagcooperate, may sariling yatang mundo.  Inaliw ko na lang muna ang sarili na magmuni-muni kesa ibulsa ang kamay at maglaro ng pototoy.  Heto ang mga laman ng isip ko:  


1.  Dapat sinusunod ang mga nakakatanda.  Alala ko noon, sabi ni Lola, “Apo wag kang titikim ng mani, nakakaadik yan”.   Kala ko bluff, may malalim palang kahulugan ‘yun.  Kaya ng makatikim ako ng pekpek, dun ko lang naintindihan ang wisdom ni Lola.  Aba’y totoo nga, nakakaadik nga.  

2.  Walang tabo sa hotel.  Pag tumae, pedeng gamitin ang tumbler ng Tokyo Tokyo bilang tabo.   Ingatan ang tabo.  Kung hindi, mawawala ito at makikitang gamit-gamit ng room boy na humihigop ng malamig na orange juice.  

3.  Huwag mangulangot sa simbahan dahil kelangang makipag-sheyk hands sa pari pagkatapos ng misa.  Lalong hindi dapat mangulangot dahil kelangang hawakan ang pisngi ng bride pag sinabi na ng pari ang ‘You may now kiss the bride’.    

Mamya, tumunog na ‘yung pinto ng cathedral hudyat ng pagbubukas.  Sa labas, putukan ang fireworks [di sa amin ‘yun, may celebration yata sa labas].  Espesyal dahil si pareng Ice, isang dabest na kaibigan ang nagbukas ng pinto.  Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan… dahan-dahang nagmodel-modelan si BebeKo sa aisle ng simbahan.  Muntik ko nang di makilala, kasi mukang racoon ‘yung mata sa meyk up. Kala ko tuloy sa ibang kasalan ako napadpad [Biro lang].  Pero seriousli, iba pala talaga ang pakiramdam ng kinakasal. 


Nung gabing ‘yun, nadiskubre kong may tear duct pala ako.  Kunyari naman napuwing ako kaya nagpunas ng panyo.  Sobrang mahal ko ‘tong babaeng ‘to.  Ay lab ebriting abawt her.  ‘Yung pagyakap niya.  Pagsimangot.  Paghalik.  Smile pa lang niya, ulam ko na.  Hindi ko alam kung ano nakita nya sa ‘kin [besides pagkakaroon ng mahabang titi] para mahalin din nya ako.  Everything is a puzzle.  In this lifetime, somebody’s waiting to complete you.

* Photo1:  Sinusundo ko na si BebeKo kina Daddy at Mama, Photo2:  Promise ng ‘one love in a lifetime’ sa harap ni Papa Jesus, Photo3:  Post-Reception picture [change costume] ilang minuto bago maglabing-labing



Unremembered Goodbye

$
0
0

Huling meeting ko na ‘to sa klaseng Digital Circuit.  Late na naman akong pumasok, kaya naman paborito na ako ng mga estudyante.  Part time job ko ‘to.  Mapagbiro talaga ang Diyos.  Biruin mo, ako na mahilig mag-cutting class, pumapasok ng nakainom nung kolehiyo e halos tatlong taon na ring nagtuturo.  ‘Meron na si kulit’, narinig ko si Monsi na nagmamadaling pumasok na kanina lang ay panay ang tambol sa dalang beatbox.  

 Hindi ako nagpapatawag ng ‘sir’ sa klase.  Hindi uso sa ‘kin ang labeling ng position.  Sinasabi ko sa mga bata, kung may respeto ka sa tao, hindi ‘yun nakikita sa pagtawag-tawag ng sir.  Kaya nasanay sila na tawagin ako sa pangalan ko, ‘kuya’, pare o kaya bosing.  Ok lang sakin ‘yung bosing.  Tawag ko din kasi ‘yun pag sumasakay ng dyip, ‘Bosing, bayad ho’.  Pag tinawag kang bosing, clue na ‘yun:  hindi ka talaga bosing.   

Bosing, ano’ng zodiac sign mo?  Entrada ni Solomon, ang pinakamakulit sa lahat, pagpasok na pagpasok ko pa lang sa pinto.  May nakahanda na namang ipa-punch line sa kin.  Pero hindi  ako nagpapawais.  ‘Cancer ako e, kaw ba tumor?’.  Tawanan.  Na-violate na naman ang number wan rule ko sa klase:  Wag pinapatawa ang guro pag may hang-over.  Nung minsan kasing natawa ako, lumipad ‘yung pinulutan kong mata ng tilapia palabas sa ilong.  Watdapaka.   

Tseking ng attendance.  Perpek.  ‘Wala talagang absent?’, panigurong tanong.  Wala nga.  Alam ng lahat na istrikto ako pagdating sa attendance.  Absentee kasi ako nung college.  Ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw.  Nag-eexcuse din ako basta ba naaksidente ka.  At dapat basag basag talaga ang bungo mo. 

‘Mga bata, redi na sa exam?’.  ‘Mga bata’ ang tawag ko pero kung tutuusin mas malalaki pa sila.  Pwedeng pwede nga nila akong sagasaan sa kanto kung gugustuhin lang nila.  Magaling lang akong mam-bluff kaya wala pang nagta-try.  ‘Bosing, ilang items ang exam?  Di nako sumagot pero sa ngiti ko pa lang, nasusuma na nilang 200 items na naman na puro problem solving. ‘Parusa naman ‘to’.  Set A, B saka C.  Panakot ko, ang lumingon sa kaklase tatargetin ng eraser o kaya itatapon sa bintana.  Maliban pa sa ALL CAPS na warning na nakasulat sa test paper:  Cheating is a mortal sin.  You will burn in hell.   

Nagsimula na ang exam.  Nagbigay din ako ng konting reminder na kabisadong kabisado na ng mga estudyante ko: ‘ Ang exam para ding seks ‘yan.  Hindi kailangang nagmamadali’.  Ang totoo, hindi naman talaga bawal ang mangopya sa klase ko.  Wag na wag ka lang magpapahuli.  Dapat mas wais ka sa akin.  At dahil papunta ka pa lang, pabalik na ako, alam na alam ko na ‘yang mga style tulad ng kodigo na size 4 ang font, ‘sign language’, ipit sa kilikili, atbp.  Busy na ang lahat mag-solve. Upo muna ako sa harap ng computer para magbloghop.  May offline message si Yvette sa Yahoo Messenger, dati kong estudyante.  ‘Bos tnk u.  Tenk yu po sa pagturo ng wireless network.  Naimpress sa kin ‘yung boss nung pinagawa kami’.  Nag-oojt si Yvette sa isang anti-virus company.  ‘Be good.  Galingan mo diyan’, nag-iwan ako ng offline message.  Putek, pakiramdam ko tuloy proud father ako na parang nag-pers honor ang isang anak.     

Matapos ang dalawang oras na exam at pangungulit sa mga bata, yosi breyk muna.  Nag-abot si Jon ng isang stick ng Marlboro green, ‘Bosing, nakatikim ka na ng chongki?’.  Umiling ako habang sinisindihan ang yosi, ‘Bakit, kayo ba?’.  ‘Dyan kami dati bumabatak bosing’.  Tinuro ni Jon ang basement ng building.  ‘Sige gawin nyo lang yan tangena nyo nang mapunta kayo sa impyerno’.  Tawanan.  

Putek, napaisip ako.  Di ko na makakakulitan ang mga ‘to ng ilang buwan.  Masakit mang isipin na pinagpalit ko sila para sa ilang araw na pahinga kada linggo, pero talagang ganun na nga.  Di ko pwedeng gawin ang lahat.  Di naman talaga ako si Superman.  Saka kelangan ko ring alagaan si BebeKo, namamayat na.  Pano pakonti-konti lang kumain.  Di ko na rin nga pinaunlakan ang imbitasyon sa isang kolehiyo na magturo.  ‘Bosing, seat in kami sa klase mo next term.’  Si Jalu.  Oo lang ako.  Di kasi ako marunong magpaalam.  Pero sina Jepoy nasabihan ko.  ‘Pano ‘yan, e di wala nang drinking session sa Alabang?’.   Malamang ganun na nga.   

Makulit nga siguro ako pero kahit papano meron din naman silang natutunang aral sa ‘kin na pwede nilang baunin pag-alis ko.  Higit pa sa lessons sa klase,  may mga mas importanteng aral tulad ng pakikisama, pagiging totoo, at respeto.  ‘Yun yon.   


Changing Lives

$
0
0

Pag nag-asawa ka na, andaming nagbabago.  Pati prayoridad sa buhay, nagbabago na rin.  Dati pag may pera, bili agad ng porn dvd, inuman, saka bili ng porn dvd ulit.  Ngayon pag may pera, bili ng kailangan sa bahay, bayad ng utang, saka bili ng porn dvd.   

Ang pag-aasawa, mahirap sa umpisa dahil maraming differences na kelangang i-sort out.  Kung meron mang bagay na compatible kaming dalawa ni BebeKo, ‘yun ‘yung pagiging makalat.  Parang binagyo ang bahay namin. ‘Yung remote control nasa loob ng ref, ‘yung brief nakasabit sa tv,  ‘yung kama nasa sala at ‘yung kwarto ay naging football field.  Suspetsa ko nga sigurado nung past life ko taga-Payatas ako.  Ang kalat ko e.  Si BebeKo naman siguro ay baboy ramo naman nung past life nya. 

Sa pag-aasawa natuto ako ng mga bagong aral sa buhay.  Tulad ng kung pano maglaba ng panty at bra ni BebeKo ng hindi ko napupunit.  Mahirap sa umpisa pero natututunan din.  Dapat ‘yung strap ng bra ang ginagamit na pangkusot dun sa bra mismo.  Lagyan ng konting detergent powder saka kusutin.  Natuto rin ako pano maglaba ng panty ni BebeKo [kahit ayaw nyang ipalaba sa kin].  Hwag dapat madiin ang pagkusot.  Ilang panty din ni BebeKo ang nasira bago ko na-master ‘yun.   

Dati, nung single pa lang at nakatira sa bahay ng mga magulang, andaming bawal.  Ngayong nagsasarili na kami, wala na ‘yung mga batas sa bahay ng mga magulang tulad ng, ‘bawal kumain sa harap ng tv’, ‘don’t talk when ur mouth is full’, at kung anu ano pang mga bawal.  Pati nga ‘yung di ko paliligo ng tatlong araw,  pinapakialaman din dati. Tama ba ‘yun ha mga parents?  Wala kasing pakialamanan ng amoy.  Kanya kanya na ‘to.   Ngayon, kami na ni BebeKo ang gumagawa ng sarili naming house rules.  Kahapon nga, sinubukan kong kumain nang nakahiga sa kama habang nanonood ng tv.  May papindot pindot pa ako ng remote control na nalalaman  gamit ang paa.  Malamang pag ginawa ko to sa ‘min, sapok, pingot ang aabutin ko.  Na may kasama pang pukpok ng kaldero sa ulo.   

Ngayon para kaming nakawala sa kural ni BebeKo.  Amin ang mundo.  Nagkukulitan at naghahabulan sa buong kabahayan ng hubo’t hubad [ako lang pala, hehe].  Kahit may mga panahong kapos sa budget, masaya pa rin.  Pag walang pera, nagiging bonding moments na nga lang namin ang pisain ang pimple ng bawat isa.    

BebeKo:  ‘Para kanino yang pimple mo sa ilong? [selos]’
Ako:  ‘Para sa ‘yo yan, kaw lang labs ko’.
BebeKo:  ‘Tara, pisain natin’. 

Trsssh!  Yak daw o.  Hehe.  San ka pa.  Nakakaaliw ang pagsasama namin.  Parang dalawang siraulong nagdesisyong magbahay-bahayan.  Pero sabi nila masarap daw maging mature at normal.  Try nga rin namin minsan.   

Hindi ko alam ano bang kabutihang nagawa ng kalalakihan sa mundo at sobra sobra kung mahalin tayo ng mga partners natin sa buhay.  Natatanong ko tuloy kung karapat-dapat ba tayo sa binibigay nilang pagmamahal.   

BebeKo:  ‘Be, dito ka sa tabi ko’
Ako:  ‘Bakit?’
BebeKo:  ‘Wala, gusto ko lang.  Dito ka, now na.  As in’. 

Arruuu… Sarap talaga mainlab.  Pero may mga panahong nagkakatampuhan din naman.  Lalo na pag ayaw akong payagang lumabas kasama ng mga barkada.   

BebeKo:  ‘Labas ka ng labas.  Huwag ka ng bumalik’
Ako:  ‘Isang buwan na kaya akong di umiinom.  Hilahin ko tonsil mo, makita mo.’
BebeKo:  ‘Pisain ko kaya betlogs mo’. 

Hehe.  Pero ganyan naman talaga ang buhay may asawa.  Masayang magulo.  Away bati.  Give and teyk lang.  Sa ating lahat, Hapi Balentayms!


Kuya’s Unsent Letter to Bunso II

$
0
0

Dear Bunso, 

Dalaga na ang bunso ng pamilya.  Baka kung kani-kanino ka na nagpapaligaw nyan ah.  Piliin mo naman.  Okay lang naman kahit hindi mapera ‘yung nanliligaw sa ‘yo, basta ba may sariling kotse, bahay, at ekta-ektaryang rancho, pwede na ‘yun.  Haha.  Seriousli, di ko alam ang gagawin ko pag meron ka nang ipapakilalang boypren.  Kakaliskisan ko ba?  Pano ko kakaliskisan, pakuwadrado, pa-diagonal o pa letrang Zorro?  Kelangan bang itak ang pangkaliskis ko o pwede na ang palakol?   

Pasensiya ka na kung  hindi kita mabigyan ng advice kung anuman ang pinagdaraanan mo ngayon.   Kung tungkol sa ‘mens’, tanungin mo na lang si ate BebeMo.  Wala nga akong idea kung bakit tinatawag na ‘mens’ yan e babae naman kayo, dapat ‘womens’. Kung naging lalake ka lang, andali lang sana ng role ko bilang kuya mo.  Dadalhin lang kita sa beerhaus at ipapaubaya sa mga babaeng kasinluluwang ng Orocan ang pekpek na magtuturo sa ‘yo ng sakramento ng binyag.  Tapos na.  The end. 

Medyo clueless pa rin ako sa pagiging kuya.  Pilit ko ngang inaalala kung pano ba ako bilang kuya nung past life ko.   Ang alam ko lang dati akong ‘kuya’ ipis.  At si ‘kuya’ ipis ay walang ginawa kundi batukan si ‘bunsong’ ipis.  Hehe siyempre, hindi kita puwedeng batukan dahil dalaga ka na.  Kaya huwag na huwag kang gagawa ng bagay na magiging dahilan para mapilitan akong batukan ka.              

Una, wag kang naglalakad ng sobrang pakembot kembot.  Maraming nagdaraan, hindi sa ‘yo ang kalsada.  Saka pato lang ang gumagawa ng ganun.   Huwag ka ring patuwad-tuwad, kung ayaw mong habulin ka ng mga manyak.  

Pangalawa, wag kang magsusuot ng maiikli kung ayaw mong lumuwa ang kaluluwa mo.  At pag lumuwa ang kaluluwa, hindi na babalik yan.  Sabi ng titser ko sa religion, pag nawalan ka ng kaluluwa, magiging zombie ka.  At huwag tinitipid ang telang suot.  Hindi pa naman naghihikahos sa tela ang Pilipinas.      

Pangatlo, mag-aral ng mabuti.  Kelangang magsipag sa buhay kahit wala na si Papa.  Basta’t nandito ako, patatapusin kita sa pag-aaral, kahit pa magtrabaho akong macho dancer, gagawin ko ‘yun para sa ‘yo. 

Finals exam mo na ngayong buwan.  Tignan mo, ambilis lang ng panahon, second year nursing ka na sa susunod na pasukan.   Heto, ipapadala ko na tuition mo.  May dagdag pang allowance ‘yan.  Nauto ko kasi ‘yung kaopismeyt kong bilhin ‘yung industrial electric fan na pinanalunan ko sa parapol sa opis.   ‘Bilhin mo na bosing, nakakapagpalamig ng ulo ‘yan.  Oo pramis, basta itutok mo lang ulo mo sa elisi’.  Hehe, binili naman agad sa akin ng 600 pesos.  Tapos nakita ko ‘yung presyo nun nasa halagang 450 pesos lang pala.  Tumubo pa ako ng siyento singkwenta. 

Sooner or later, hindi na ako ang namber wan na lalaki sa buhay mo.  Okay lang ‘yun, importante mahal ka ng boypren mo at aalagaan ka nya ng mabuti.  Wag ka lang nyang paiiyakin at magsusumbong ka sa ‘kin.  Alam mo namang immature ako sa mga ganyang bagay, baka idaan ko ang boypren mo sa ‘assassin-for-hire’ o sindihan ko na lang ng buhay.  Oo, pramis, try mong magsumbong sa ‘kin.


In Memoriam

$
0
0

Tatlong sunod-sunod na gabi na kitang napapanaginipan.  Weird.  Wag mong sabihing nagpaparamdam ka lang dahil Father’s Day na.  Imposible ‘yun,  bertdey mo nga nakakalimutan mo, ‘yung father’s day pa kaya.  Matagal tayong nag-uusap sa panaginip na parang magdamagan.  Tumatagay ako tapos nagkakape ka naman.  Binibiro nga kitang ‘clean living’ ka na ngayon.  Sabi mo papogi points lang, may nakilala kang tsiks dyan sa kabilang buhay. 

 

‘Malaki ba boobs?’, awtomatikong tanong ko sa ‘yo.

‘Estupido’

‘Bakit ka pa naghahanap ng iba, kala ko mahal mo Mommy ko’.

‘Mahal ko naman Mommy mo…’

‘Hindi na nag-asawa si Mommy mula ng mamatay ka’, pangongonsensiya ko.  Hindi ka na sumagot.

‘Uwi na ako’, pinutol mo na ang usapan.

‘San ka uuwi?’, pahabol ko pa pero hindi ka na sumagot.  Lumakad ka nang papalayo hanggang nilamon ka na ng dilim. Sa puntong ‘yon nagigising na ako dala na rin ng ingay ng malakas na ulan sa labas.  Mabigat ang patak ng ulan,  bumubulong ng isang malungkot na nakaraan.  Bakit ba ang ulan may pagka-emo, tuwing pumapatak lagi na lang may dalang malungkot na alaala?

 

Mahirap magkaroon ng tatay na tulad mong siga.  Kelangan kong i-meet ‘yung expectations ng pagiging anak ng isang siga.  Naalala ko noong bata pa ako, tuwing napapadaan ka kasama ang mga alipores mong bandido, kailangang pinapakita ko sa ‘yong binabatuk-batukan ko o kaya inuuntog sa pader ang mga kalaro ko.  Clueless tuloy sila kung anong nagawa nilang malaking kasalanan sa kin.  Kaya tuloy naubusan ako ng kaibigan.  Kung meron man akong natirang tapat na kaibigan, si Kojak na sintu-sinto lang saka si Apeng pilay.  Di kasi nila ako kayang takbuhan.

 

Lumaki din akong tigas ulo.  Hehe.  Hindi mo nga ako mapalo noon.  Alam mo kasing pag pinalo mo ako ng dos por dos, inuunahan na kita ng ‘Sige sumbong kita sa pulis.  Sabihin ko andito ka lang sa bahay nagtatago’.  Takot ka naman.  Hehe.  Kala mo, mas wais yata ako sa ‘yo.  At pag nagpapabunot ka pa ng puting buhok sa akin noon sa halagang piso bawat puting buhok, ngayon aaminin ko na, hindi mo talaga puting buhok ‘yon.  Puting sinulid lang ‘yun na pinutol ko ng maiikli.  Oo, ‘yung buhok mong itim ‘yung binubunot ko kaya ka nagkapoknat sa tagiliran ng ulo.  Walang personalan, trabaho lang. 

 

Di ka marunong magbasa at sumulat.  Numero lang at sugal ang alam mo sa buhay.  Pero salamat na din sa naituro mo sa aking pangungupit at pandudugas sa kapwa, nakatulong talaga ng malaki sa buhay ko.  Hayskul ako ng nawala ka pero natuto akong mabuhay sa tagilid na lupa.  Biruin mo, nakagradweyt pa ako ng kolehiyo na pandudugas at laway lang ang puhunan.  Do I make you proud?

 

Wala ka man lang naipamana sa aking good manners and right conduct.  Kung bakit naman kasi wala kang manners.  Hirap tuloy ako pag kumakain kami sa labas kasama ang mga bosing ko.  Lumalagutok sa ingay ang pakikipag-wrestlingan ko sa mga lobster at red crabs.  Tuloy bihira na nila akong sinasama ngayon.  Okey lang.  Puking ina nila.  Ansarap kayang humigop ng sabaw na may kasamang sound epeks. 

 

Pa, paano pala kung wala ka diyan sa langit?  Pwede bang magpakasamang tao na din ako para magkita pa din tayo?  Kahit gago ka, wala na akong magagawa dun, tatay kita.  Pagbali-baliktarin ko man ang mundo, hindi maikakailang nanggaling ako sa betlog mo kaya  kailangang irespeto kita, alalahanin, at bigyang pugay.

 

Ngapala, wag mong kalimutan, June 18 ang bertdey mo.  Hapi Bertdey na lang sa ‘yo.  Sayang di ka na makakatikim ng umuusok sa lamig na beer at super sarap na sizzling hot fried chicken.  Cheers.


Long Kiss Goodbye, Lola

$
0
0

Tatlong sunud-sunod na gabi akong hindi nakatulog.  Ganitong ganito din ako bago namatay si lolo.  Kaya pala lola, nagpapaalam ka na rin.  Ang weird naman ng superpowers ko na ‘to.  Sabi mo sa akin noon, ‘gift yan apo’ nung napanaginipan kong nadedbol ‘yung alaga kong tuta na kinabukasan ay nagkatotoo nga.  Pano naging ‘gift’ ang maramdaman ang pagpanaw ng isang minamahal?  Napakawalang kwentang gift naman nito.  Sana naman kung binigyan ako ng superpowers, ‘yung nakakalipad ako para iwas trapik o kaya makapag freeze ng tao para makapag-pickpocket ng mga cellphone.

 

Alala ko pa, andami mong mga payo sa akin noon. May mga seryoso, may mga parang nangti-trip ka lang.  ‘Yung iba may sense tulad ng, ‘Apo, wag ka munang titikim ng mani, bata ka pa, nakakaadik ‘yan’.  Totoo nga, nakakaadik nga.  Sori sa pagsuway.  Naadik ako sa mani. Ganun siguro kung anong pinagbabawal nakaka-curious gawin.  Buti hindi mo ko pinagtripan ng ‘Apo, bawal tumalon sa bangin, nakakaadik ‘yan’.

 

Gusto kong magpasalamat sa ‘yo. Kung hindi ka maagang kumerengkeng noon sa edad na kinse anyos, wala sana akong Mommy.  Dahil sa ‘yo nagkaroon ako ng mabait at lababol na nanay.  Pag kaharap ka pa ni Mommy, nakikita ko kung paano maglambing ang nanay ko sa ‘yo, nagpapaluto ng paborito nyang ulam.  Bihira ang ganong pagkakataon na makita mong bumabalik sa pagiging ‘anak’ ang sarili mong magulang.  OA tignan pero ok na din.  Kulang na lang sabihin ni Mommy sa ‘yo, ‘Ma enge allowance’. 

 

Salamat sa pag-aalaga niyo sa kin ni lolo nung bata pa ako.  Alam ko, medyo matigas ulo ko noon.  Minsan pinabili mo ko ng mantika.  Sa halip na bumili ako ng mantika, pinambili ko ng babolgam na Bazooka ‘yung pera.  Tapos ‘yung supot inihian ko saka ko binigay ko sa ‘yo, sabi ko mantika ‘yun.   Nagtataka ka, kanina ka pa nagpiprito pero hindi man lang tumatalsik ‘yung mantika.  Siyempre, ihi kaya ‘yun alangan naman makaprito ‘yun.  Saka mapanghi ang ihi hindi mo man lang naamoy.  Ako pa sinisi mo.  Hindi ka man lang marunong mag-appreciate ng joke.

 

Meron pa ‘yung nagnenok  ako ng bunga ng papaya sa kapitbahay nating pulis.  Para papaya lang andami mo nang sinabi sa ‘kin.  ‘Yung native na manok, wala naman talaga akong plano na kunin din ‘yon kaso sobrang amo sunod ng sunod sa akin.  At ‘yung anak nung pulis, wala akong intensiyong tiradorin ‘yun sa ulo, nabigla lang ako dahil pinahabol niya ako sa aso.  Galit na galit sa ‘kin ‘yung tatay na pulis.  Hindi naman ako maipa-barangay ni Pulis Patola dahil si lolo nga ang barangay captain.  Sabi mo wag ko nang uulitin, masamang kumain ng galing sa masama. Sawa na kong marinig sa mga pangaral mo kaya may layas layas epeks pa akong nalalaman.  Kaso di ko mapanindigan,  nagutom ako, kaya kinagabihan umuwi din ako.  Sa gate pa lang, nakita kitang nag-aabang sa ulan, naghihintay sa pagbalik ko.  Hindi mo na ko pinagalitan.  Pagpasok ko sa kusina, nakahanda na ang hapag kainan, naamoy ko agad ang  masarap na tinola.  Kala ko ba bawal kainin ang galing sa masama?

 

Naasar pa ako noon, kasi ang tawag mo sa akin ‘pulongkutoy’, parang katunog ng kampon ng mga kuto.  Pero ganun ka siguro magmahal ng apo.  Weird.  Sana tinawag mo na lang akong ‘pulgas’, ‘buni’ o ‘hadhad’, mas disente pang pakinggan. 

 

Hapon na. Oras na para ihatid ka sa ‘yong huling hantungan.  Madilim ang mga ulap, gustong makiramay at magbuhos ng isang mabigat na bagsak ng ulan.  Hindi na kita maihatid baka maiyak lang ako.  Ayaw mo ng apong iyakin, namimingot ka.  Baka mamya bigla kang bumangon dyan sa kabaong tapos pingutin mo ako ulit.  Basta, gusto ko lang sabihin sa ‘yo, ehemm… ehem… mahal na mahal kita.  Salamat sa pag-aalaga sa akin.  Sayang hindi mo na naabutan ang apo mo sa tuhod sa amin ni BebeKo.  Bye bye.  Baunin mo sana ang masasayang alaala, pagmamahal namin, at munting panalangin na sana magkita kayo ni lolo sa kabilang buhay at dun ituloy niyo ang inyong labing labing forever.  Sa pag-alis mo, hindi lang ako nawalan ng isang lola, nawalan din ako ng isang kaibigan.


I Pray

$
0
0

Isang munting dasal ang alay ko sa pinagdaanan ng kaibigang blogger na si Rj. 

 

Hindi ko pa nakakasama ng personal si Rj pero parang antagal ko na siyang kainuman, kasama sa mga lakaran at kakwentuhan.  Pareho kasi kami ng mga gusto sa buhay -  magpaka-stick-to-wan sa misis namin, magkaroon ng simpleng pamilya at magkaroon ng bonggang bonggang high end laptop. 

 

Sobrang nakakalungkot din kasi pareho naming ine-expect na maging first time Dad ngayong taon.  Kung hindi rin nakunan si BebeKo noong Marso, malamang Nobyembre din ang due date ni BebeKo na sana ay panganay namin kasabay ng panganay nina Bachoinkchoink at Rj.   Tapos paglaki nila magiging bloggers din, mag-e-exchange links sa isa’t-isa, at kung may mabuo mang love story, labas na ako dun.  Basta wag lang nilang kakalimutang minsan, mga sikat na pakyut na blogista ang mga tatay at nanay nila.

 

Mataas ang risk na makunan ang mga first time buntis, eto ‘yung pinaintindi sa amin ng ‘cool na cool’ na OB ni BebeKo.  Nung malaman naming sana ay may panganay na kami kung hindi lang nakunan si BebeKo, sinabihan pa ni Dra. Guilot si BebeKo ng, ‘O? Wag kang iiyak iyak dyan, sasapakin kita.  Ganyan talaga sa umpisa’.  Ngayon tutok na ako at saka si Dra. sa pagbubuntis ni BebeKo.   Paminsan-minsan meron ding pasulyap sulyap at pakindat kindat sakin si doktora sabay kagat labi, hindi ko alam kung may halong malisya ‘yun o talagang kirat lang siya at tulo laway ang labi.

 

Kay pareng Rj at sa ating lahat, di man tayo nagkikita sa personal ehem… ehem… I feel you, importante sakin ang samahan natin, para ko kayong ingrown, pag sumakit ramdam ko to the bones.


Take Me Home

$
0
0

 

Bumiyahe ako pauwi sa bayan namin noong nakaraang Sabado, nakipagtunggali sa isang nonstop roller coaster bus ride ng mahigit dose oras na biyahe para lang sa isang bagay – ang kumain ng pansit.  Pag tinamaan ka nga naman ng baltik oo, kahit pa siguro nasa dulo ako ng mundo, uuwi at uuwi pa rin ako.  Mahirap intindihin ang simpleng bagay na ‘to pero ‘yan na ang kulturang kinalakhan ko. 

 

Ano bang meron sa lugar namin at di ko maiwan-iwan? Wala.  Kung tutuusin, wala namang ‘extra special’ sa lugar kung sa’n ako lumaki maliban na lang kung trip mong mag-kayaking sa pinakamahabang ilog sa Pinas o magtaguan-pung sa mahigit 300 kuweba na karamihan ay ginawang boarding haus ng mga paniki.  Sa kabuuan, isa lang siyang higanteng oven toaster sa sobrang init.  Ang Tuguegarao city ang pinakamainit na lugar sa Pinas, mainitin ang mga tagarito at sa tingin ko ay isang konkretong paliwanag kung  bakit mabilis ding mag-init ang aking katawan.  Yes, we are badly burned madapackingsheet ‘hot ass’ people.  Pati mismo ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salita na ang ibig sabihin ay putangina! sunog! sunog! [expletives mine]. At sa likod ng aking matipunong katawan [talagang kailangang i-emphasize na matipuno ano?] ay isang batang kailangang makauwi sa sariling bayan. May mga bagay ka talagang hahanap-hanapin dahil dun naman nagsimula ang lahat.  At may mga lugar kung saan ka nag-umpisang magkaisip, kumerengkeng, at bumuo ng pangarap.   

 

Habang kumakain ng pansit kasama ang barkada, nagbalik sa alaala ang lahat. Simple lang ang buhay ko noon sa kolehiyo.  Makikipag-inuman, papasok sa school, maghahanap ng gulo, matutulog sa klase, gigising na wala na ang mga kaklase, iinom ulit, uuwi, matutulog.  Kung kaninong bahay ako datnan ng antok, dun nako natutulog.  Bahay ko pati bahay mo.  

 

Mahirap ang naging simula ko nang magtrabaho dito sa Maynila.  Mamboboso ka na nga lang pahirapan pa, kailangan pa ng high tech na kagamitan.  Anhirap pa namang magkabit ng webcam sa CR nang hindi ka namememohan.  Di tulad sa probinsiya, sisilip ka lang sa ilalim ng kubo, o aakyat sa punong mangga, may live feed ka ng ‘porn show’ kaagad.  

 

Sa kabilang banda, nagbukas ang isang panibagong mundo sa ‘kin dito sa Maynila. Maraming taong nakasalamuha, nakilala, nakasubukan ng paninindigan, at ang iba ay nakapataasan ng ihi. Andaming realizations na nangyari. Na may malaking mundo pala sa labas ng pinanggalingan ko.  Na ang buhay ay hindi lang umiikot sa bote ng alak.  Na di kailangang manilip dahil sandamakmak naman ang libreng porn sites. 

 

Pasalamat din ako sa mga taong nakilala ko na nag-inspire sa ‘kin [kasama ka dun], nagpasensiya, nagbigay-aral at gumabay bago pa ako maging panganib sa ibang tao at sa sarili ko.  Matigas pa rin naman ang ulo ko pero marunong na ring makinig paminsan-minsan.  Minsan minsan lang. May upsides at downsides din ang pagiging matigas ang ulo. 

 

‘Bakit ikaw pre, kahit pinapagalitan tayo ng bosing natin dedma ka lang, wala kang paki’, sabi ng kaopisina ko.

‘Ganun ba.  Hindi ko napapansin’.  Talaga  ngang  walang paki.

‘Oo, ganyan ba talaga kayong mga taga-probinsiya?  Sana nga ganyan din kalakas ang loob ko’. Tsk.  Maling akala.  Wala naman ‘yan sa kung saan ka pinanganak, nasa tao yan.  O kaya naman nasa gatas na ininom n’ung bata ka pa lang.  Wag kasing umiinom ng gatas na may drowing ng power puff girls.  Pati na rin na ‘yung may kasamang freebie na hello kitty.

 

Dalawa at kalahating taon na pagkakalayo.  Andaming nangyari – nakipagtanan, nagtrabaho, live in, kinasal, naholdap, na-promote, nakipaglabing-labing, nakabuo ng bata at sa susunod na taon ay Daddy na.

 

Isang araw lang ako sa ‘min.  Balikan din ako agad matapos magpansit at konting inom kasama ang mga barkada.  Parang short time na ligaya pero sulit naman.  Hinabol ko ang huling biyahe kinagabihan.  Sakay na ko ng sleeper bus pabalik ng Maynila, napabulong na lang ako ng isang payak na panalangin baon ang isang pangakong binitawan dalawa at kalahating taon na ang nakalilipas – ‘babalik din ako, magpapayaman lang ako sandali, at kung di man mangyari ‘yun pagkalipas ng matagal na panahon,  sisiguraduhin kong uuwi pa rin ako at dyan ako mahihimlay sa katabing puntod ng aking tatay’.

 

*Picture1:  Kayaking sa Rio Grande De Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pinas. Picture2:  Sleeper bus.  Nakahiga kang bibiyahe para hindi ka tubuan ng almoranas sa pwet. 



My Wife Is A Gangster

$
0
0

 

Pag nag-asawa ka na, dun niyo lang talaga makikilala ang isa’t-isa.  Malay ko bang gangster pala ang ugali ng misis ko.  Bago kasi kami kinasal, di ko man lang siya narinig na umutot.  Noong honeymoon namin, wala pa mang walong oras kaming mag-asawa, nagpakawala siya ng utot habang nakakulob kaming dalawa sa iisang kumot.  Ang sweet ano?  Sana wedding song na lang namin ‘yung ‘Killing Me Softly…’.  Nung minsan naman, kumportable kaming nakahiga habang nanonood ng tv sa kwarto.  Kala ko nagba-vibrate ‘yung cellphone ko sa kama.  ‘BebeKo, pakiabot naman ‘yung cellphone ko may message’, sabi ko habang nakaabot sa kanya ang isa kong kamay.  Dedma lang tapos ang sabi, ‘Wag mong pansinin ‘yun, utot ko lang ‘yun’.  Natigilan ako, nagtakip ng ilong.  Mamya sabay na kaming nagtawanan.   

Isa pang bago kong nalaman sa misis ko, ayaw niyang magsuot ng bestida.  Parang gumuho lahat ng pantasya ko sa buhay.  Old school ako, gusto ko ‘yung pag-uwi ko sa bahay, naka-daster ang misis ko na nag-aantay sa akin.  Pantasya ko na ‘yun mula pagkabata.  At kahit ilang beses kong sabihin na maganda siya ‘pag naka-bestida at tigas na tigas ang titi ko pag nakasuot siya ng ganun, waepeks pa din.  Ayaw niya talaga.   Ngayon kahit walong buwan na siyang buntis, ayaw pa din niyang magbestida, laging naka-maternity pants.

 

Alala ko noong unang tatlong buwan palang ng kanyang pagbubuntis, sobrang bandido niya sa ‘kin.  Nakakatikim ako ng sipa, kalmot at pambabato na di ko naranasan nung magsiyota palang kami.  Oo ‘yung buong higaan binubuhat niya saka tinatapon sa akin dahil lang sa nagko-computer ako.  ‘Yun lang.  Sige na nga, nagi-internet ako tapos paminsan-minsan napapasilip na din sa mga porn sites [pero silip lang talaga, pramis, cross my butt].  Sabi ko hindi dahilan ‘yun para magwala siya.  Pero sa huli, sa lambingan din kami nauuwi.  Alam kong wala siyang kontrol sa emosyon niya nung mga panahong ‘yon, kaya pilit kong iniintindi ang pagbabagong nagaganap sa kanyang katawan.  At ‘pag nangyayari ulit ‘yun, napapabulong na lang ako sa kanya ng, ‘Fuck you hormones.  Fuck you’.

 

Kapag binuksan mo ang kikay kit ng misis ko, tatlo lang ang posibleng laman – lip balm, mga coins [na ninenoks niya sa pantalon ko] at saka swiss knife.  Girl na girl ano?  Hahaha.  Kasalanan ko din dahil ako nagbigay sa kanya nung swiss knife.  Paniwala ko kasi kailangang marunong din ang mga babae na depensahan ang kanilang sarili sa panahon ngayon.  Mumurahin ‘yung swiss knife, mahirap hatakin ‘yung blade, tipong aabutin ka ng limang minuto para mailabas. At kung may magbalak mang mangholdap sa kanya, aangal ‘yung holdaper panigurado, ‘Ano ba? Matagal pa ba ‘yan.  Holdap na kasi!!’.  Kaya suhestiyon ni BebeKo, bilhan ko na lang siya ng panguryente ng holdaper.  ‘Yung taser.  Malakas ang boltahe nun, mangingisay kaagad ang sinumang tamaan.  Ngayon palang naiisip kong kawawa naman ‘yung nagbabakasakaling holdapin siya.  Mamamatay na walang kalaban-laban tapos tustado pa.  Si Boy Nenok magiging Boy Negro.

 

Ako naman may ugaling malandi.  Hindi ako nakakatulog ‘pag mainit ang paligid.
‘Be, aircon naman tayo’, lambing ko sa kanya.  Siya kasi nagbabayad ng kuryente, renta sa bahay, grocery at sa lahat lahat.  Ako naman ang tagabili ng sabon. 
‘Wag ka na, mag electric fan ka na lang’, diin na sagot ng BebeKo.

‘Lam mo namang di ako makatulog pag namamawis betlogs ko’, rason ko.  Tumayo si BebeKo saka pinihit sa numero tres ang industrial fan.  Tinutok sa pagitan ng hita ko ang daloy ng hangin.  ‘Hayan hindi na mamamawis ang bayag mo.  Matulog ka na’.

 

Sa kabilang banda, mas lalo kong minahal ang asawa ko.  Bakit?  Wala siyang kiyeme sa mga trip ko.  Pag umuuwi ako ng madaling araw, sabi ko, dapat pagdating ko gigising siya at ipaghahanda niya ‘yung pagkain ko.  Kahit antok na antok na nga siya, sige keri lang, babangon ‘yan.  Sinasabi ko sa kanya, ‘Iteybol muna  kita ha, wag ka munang tutulog-tulog diyan.  Napapangiti na lang siya dahil dumating na ang kanyang mabait na asawa tapos mamaya mawawala na ang kanyang antok.  Siyempre ang mga susunod na eksena ay hindi mo na kailangang malaman.

 

Sa mga papampam na ginagawa ko pinagbibigyan niya ako sa lahat.  Magkaroon lang ako ng sinat, natataranta na.  Binibiro ko nga ng ‘Libog ko lang ‘yan, ‘di ka na nasanay’.  Naisip ko nga kailan ba ‘yung pagkakataong ako naman ‘yung nag-alaga sa kanya ng todo-todo ‘pag nagkakasakit siya.  ‘Yung bawat bulong niya at daing, andiyan lang ako sa tabi niya.  Ilang beses ba ‘yung pagkakataong ako naman ang humalik sa parte ng katawan niya para mabawasan ang nararamdamang maga at sakit.  Nagkukulang siguro ako sa kanya pero nakikita naman niya ‘yung pagpupumilit kong magbago.  At gusto kong maramdaman niya ang pagbabagong ‘yun.    Hindi ko man mapagbigyan lahat ng lambing niya, importante andiyan ako sa tabi ‘pag kailangan niya.

 

Tama na ‘yung buong buhay siyang naging assertive at independent sa mga ginagawa niya.  Labs ko ‘tong gangster kong ‘to.  Oras ko naman ngayon para patunayan ang pangakong binitawan noong nagbigayan kami ng singsing sa simbahan:   ‘Tapos na ‘yung panahong mag-isa ka. ‘Yung ikaw lang laban sa mundo. Andito na kasi ako.  Hayaan mong ako naman ang maging sandalan mo at maging Superman habambuhay mo.’  

 

Picture 1] Si Seksing Buntis sa mall.  May halong daya talaga ang mapuputi, hindi mo halata kahit di naligo.  Pag magkasama nga kami mas mukha pa siyang malinis kaysa sakin.


My Princess DH

$
0
0

Ate,

Huli tayong nagkita nu’ng hinatid kita. Galing ka ng abroad, nagpasundo ka sakin sa NAIA tapos diretso na sa bus terminal pauwi ng probinsiya natin. Kumaway ka na lang sa bintana ng bus, nagpapasalamat sa paghatid ko sa ‘yo. Pero di mo alam kung meron mang dapat magpasalamat sa ‘tin, ako ‘yun. Salamat dahil naging kapatid kita.

Salamat sa pag-intindi mo sa ‘kin. Alam ko wala kang choice dahil magkasunod tayo sa magkakapatid. Nung bata pa ako, ‘pag nagpapabasa ako sa ‘yo ng Funny komiks bago matulog, ginagawa mo naman kahit asar ka. Sinasadya mong bilisan magbasa wala tuloy akong maintindihan tapos sasabihin mo ‘Namatay ‘yung bida. The end. Matulog ka na’. Nung elementary na ko pinapaliguan mo pa din ako. Pagkatapos mo akong paliguan, binubuhusan mo ako ng sandamakmak na pulbos. Kaya pagpasok ko sa school para akong naglalakad na espasol. Grade one ako nun, grade six ka. Tapos kahati mo pa ako sa baon. Minsan sabi mo nilulon mo ‘yung babol gam na Bazooka, wala na ubos na. Di mo ko hinatian. Kala mo malalamangan mo ko. Sinabi ko hihiwain ko ‘yung tyan mo kung talagang andun ‘yung babol gam. Tinawanan mo lang ako. Bitch ka din.

Pero nakakaganti naman ako sa ‘yo. Minsan binato kita ng basketball sa mukha habang nakapa-FHM pose ka sa higaan mo. Ang arte mo kasi. Kung ginawa ko ‘ yun sa ibang kapatid natin baka napalo na ako. Pero wala, umiyak ka lang. Na-guilty tuloy ako. Gusto kitang bigyan ng babol gam pang-peace offering.

Pero kahit ganun tayo aso’t pusa, sa ‘yo lang ako nakikinig. Nung lumaki na ako tumigas na ulo ko, may sungay pang kasama. Andyan ‘yung nanggugulo ako sa bahay. Si ate Let sumasakit na ulo sa kin, tumatawag na ng pulis. Pero andyan ka pa rin para makinig sa ‘kin kung ano bang problema. Ang puno’t dulo lang pala ng lahat di nyo ko tinirhan ng ulam. Paminsan-minsan nangongonsensya ka. Sabi ko kasi paglaki ko poprotektahan ko kayo. Ako ang maaasahan niyo. Pero wala, promise lang ako ng promise di ko naman magawa. Isa lang akong higanteng promissory note. Sori.

Nung lumaki na tayong lahat, nagkanya-kanyang buhay na. Si kuya, napikot. Si ate Let nag-aral sumayaw para maging japayuki. Ikaw naman pagka-graduate ng college, nagmadaling mag-asawa na para namang magsasara yan ‘pag di nakapag-antay.

Pero ganun naman ang buhay parang seks. Minsan asa taas, minsan nasa baba. Ngayon si kuya malapit na maging abugado. Si ate Let buti na lang parehong kaliwa ang paa kaya hindi natanggap mag-japayuki. Nag-negosyo ng tsinelas at nasa Tsina na ngayon. Ikaw naman nagtatrabaho sa Singapore bilang DH tapos ako nasa Australia bilang software engineer. Masakit lang isipin na inuutus-utusan ka lang dyan ng mga tsekwa at kinakalabog ng madaling araw para magtimpla ng tsaa. Kasi sa bahay di ka namin inuutusan, apol of the eye ka naming lahat. Ikaw ang ideal na kapatid. ‘Pag sinapak, iiyak lang. Hindi ka marunong gumanti. Ngayon ine-eczema ka na sa kamay kakalinis dyan. Nabalitaan pa namin nabangga ka ng kotse dyan habang nagbibisikleta. Wala man lang tumulong sa ‘yo kaya ikaw na lang mismo nagdala sa sarili mo sa ospital na duguan. Umiiyak ka.

Andami mo nang nami-miss na okasyon sa pamilya. Wala ka nung pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Hindi araw ng tuli, araw ng kasal ko. Nasa Singapore ka pa rin naglilinis ng kubeta. Mas masaya sana kung andito ka at kumpleto tayo. Gusto ko sanang makita kung gano ka ka-proud sa kin kasi big boy na ko. O kung hindi naman, darating ka sa simbahan saka sisigaw ng ‘Itigil ang kasal! Supot pa yan.’. Wala ka, pinagpalit mo ko sa isang toilet bowl.

Sa reception, ‘pag dance with the groom na, ikaw sana ang isasayaw ko pagkatapos ng Bebeko. Baka kasi ‘pag si Mommy ang sinayaw ko mag-request ‘yun ng paborito niyang ‘Chiquitita’ saka ‘Unchained Melody’. Epic fail.

Nung nakaraang taon, pinaaga ko pa ‘yung first birthday ni baby para maka-attend ka. Pabalik ka na ulit sa Singapore sa susunod na araw. Sa konting panahon man lang, makasama ka namin. Masaya na kami dun.

Lapit na birthday mo TeDonz. Pag importanteng okasyon ng buhay ko lagi akong may card galing sa ‘yo. Pero kelan ba ‘yung panahong ikaw naman ang binigyan ko ng card? Wala. Eto na lang sulat. Malamang sa malamang magseselebrayt ka kasama mga kapwa mo DH dyan sa tambayan ng Pinoy sa Orchard Road at ikaw ang kanilang prinsesa na bumabangka sa usapan. Pibertdey sa ‘yo. Ingat ka lagi dyan.


Viewing all 10 articles
Browse latest View live