Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Sentimental Fools
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

My Princess DH

$
0
0

Ate,

Huli tayong nagkita nu’ng hinatid kita. Galing ka ng abroad, nagpasundo ka sakin sa NAIA tapos diretso na sa bus terminal pauwi ng probinsiya natin. Kumaway ka na lang sa bintana ng bus, nagpapasalamat sa paghatid ko sa ‘yo. Pero di mo alam kung meron mang dapat magpasalamat sa ‘tin, ako ‘yun. Salamat dahil naging kapatid kita.

Salamat sa pag-intindi mo sa ‘kin. Alam ko wala kang choice dahil magkasunod tayo sa magkakapatid. Nung bata pa ako, ‘pag nagpapabasa ako sa ‘yo ng Funny komiks bago matulog, ginagawa mo naman kahit asar ka. Sinasadya mong bilisan magbasa wala tuloy akong maintindihan tapos sasabihin mo ‘Namatay ‘yung bida. The end. Matulog ka na’. Nung elementary na ko pinapaliguan mo pa din ako. Pagkatapos mo akong paliguan, binubuhusan mo ako ng sandamakmak na pulbos. Kaya pagpasok ko sa school para akong naglalakad na espasol. Grade one ako nun, grade six ka. Tapos kahati mo pa ako sa baon. Minsan sabi mo nilulon mo ‘yung babol gam na Bazooka, wala na ubos na. Di mo ko hinatian. Kala mo malalamangan mo ko. Sinabi ko hihiwain ko ‘yung tyan mo kung talagang andun ‘yung babol gam. Tinawanan mo lang ako. Bitch ka din.

Pero nakakaganti naman ako sa ‘yo. Minsan binato kita ng basketball sa mukha habang nakapa-FHM pose ka sa higaan mo. Ang arte mo kasi. Kung ginawa ko ‘ yun sa ibang kapatid natin baka napalo na ako. Pero wala, umiyak ka lang. Na-guilty tuloy ako. Gusto kitang bigyan ng babol gam pang-peace offering.

Pero kahit ganun tayo aso’t pusa, sa ‘yo lang ako nakikinig. Nung lumaki na ako tumigas na ulo ko, may sungay pang kasama. Andyan ‘yung nanggugulo ako sa bahay. Si ate Let sumasakit na ulo sa kin, tumatawag na ng pulis. Pero andyan ka pa rin para makinig sa ‘kin kung ano bang problema. Ang puno’t dulo lang pala ng lahat di nyo ko tinirhan ng ulam. Paminsan-minsan nangongonsensya ka. Sabi ko kasi paglaki ko poprotektahan ko kayo. Ako ang maaasahan niyo. Pero wala, promise lang ako ng promise di ko naman magawa. Isa lang akong higanteng promissory note. Sori.

Nung lumaki na tayong lahat, nagkanya-kanyang buhay na. Si kuya, napikot. Si ate Let nag-aral sumayaw para maging japayuki. Ikaw naman pagka-graduate ng college, nagmadaling mag-asawa na para namang magsasara yan ‘pag di nakapag-antay.

Pero ganun naman ang buhay parang seks. Minsan asa taas, minsan nasa baba. Ngayon si kuya malapit na maging abugado. Si ate Let buti na lang parehong kaliwa ang paa kaya hindi natanggap mag-japayuki. Nag-negosyo ng tsinelas at nasa Tsina na ngayon. Ikaw naman nagtatrabaho sa Singapore bilang DH tapos ako nasa Australia bilang software engineer. Masakit lang isipin na inuutus-utusan ka lang dyan ng mga tsekwa at kinakalabog ng madaling araw para magtimpla ng tsaa. Kasi sa bahay di ka namin inuutusan, apol of the eye ka naming lahat. Ikaw ang ideal na kapatid. ‘Pag sinapak, iiyak lang. Hindi ka marunong gumanti. Ngayon ine-eczema ka na sa kamay kakalinis dyan. Nabalitaan pa namin nabangga ka ng kotse dyan habang nagbibisikleta. Wala man lang tumulong sa ‘yo kaya ikaw na lang mismo nagdala sa sarili mo sa ospital na duguan. Umiiyak ka.

Andami mo nang nami-miss na okasyon sa pamilya. Wala ka nung pinakaimportanteng araw ng buhay ko. Hindi araw ng tuli, araw ng kasal ko. Nasa Singapore ka pa rin naglilinis ng kubeta. Mas masaya sana kung andito ka at kumpleto tayo. Gusto ko sanang makita kung gano ka ka-proud sa kin kasi big boy na ko. O kung hindi naman, darating ka sa simbahan saka sisigaw ng ‘Itigil ang kasal! Supot pa yan.’. Wala ka, pinagpalit mo ko sa isang toilet bowl.

Sa reception, ‘pag dance with the groom na, ikaw sana ang isasayaw ko pagkatapos ng Bebeko. Baka kasi ‘pag si Mommy ang sinayaw ko mag-request ‘yun ng paborito niyang ‘Chiquitita’ saka ‘Unchained Melody’. Epic fail.

Nung nakaraang taon, pinaaga ko pa ‘yung first birthday ni baby para maka-attend ka. Pabalik ka na ulit sa Singapore sa susunod na araw. Sa konting panahon man lang, makasama ka namin. Masaya na kami dun.

Lapit na birthday mo TeDonz. Pag importanteng okasyon ng buhay ko lagi akong may card galing sa ‘yo. Pero kelan ba ‘yung panahong ikaw naman ang binigyan ko ng card? Wala. Eto na lang sulat. Malamang sa malamang magseselebrayt ka kasama mga kapwa mo DH dyan sa tambayan ng Pinoy sa Orchard Road at ikaw ang kanilang prinsesa na bumabangka sa usapan. Pibertdey sa ‘yo. Ingat ka lagi dyan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan